Home Contact us Site Map  
 
 

 

The Principal

Siya ang nagsilbing utak sa lahat ng papmamamalakad sa loob ng kampus ng Gen.Emilio Aguinaldo National High School.Magandang pamamalakad,kaayusan sa kapaligiran at mahusay na pagdidisiplina ang kanyang naging pamantayan sa buhay na pawing isang modelo o endorser hindi ng isang pagiging isang responsible at matapat na mamamayan. Sa edad na apatnapu’t apat,madami nang naging achievements ang taong ito.

Ipinanganak noong Disyembre 23,1961 sa Indang, Cavite,panglima mula sa sampung Magkakapatid,nakapagtapos sa Don Severino Agricultural College na ngayon ay Pag-asa,Imus Cavite.Dumanas ng mga paghihirap noong kabataan niya.Pumasok siya bilang tagalinis ng paaralan dahil sa kagipitan sa buhay upang makamit ang diplomang inaasam.Unti-unti niyang narating ang tagumpay.Mula sa pagiging janitor siya ay nagging Guro sa Emiliano Tria Tirona Memorial National High School,Kawit Cavite (1983-1998),naging Ulong GuroII ng Kagawaran ng PEHM noong 1998-2000 at Punong Tagapamahala sa Binakayan National High School na siya ring nagbigay-dadn Upang magkaroon ng lokasyon ang ipinatayong mga silid-aralan ditto,(2000-2002),

Lumipat naman ng Tropical Village National High School magmula Enero-Mayo 2002, At hanggang sa mapadpad na nga sa Gen.Emilio Aguinaldo National High School, Mayo,2002.Hinalinhinan niya ang mga sumusunod na punong guro,Gng.Carmelita Bautista(1996-1999),at Gng.Paulita Zafra(2000-2002).

Matapos ang pagiging Punong Tagapamahala,nahirang siya bilang Punong Guro I at nito lamang 2005 naging Punong Guro II na agad.Tila kay bilis ng kanyang pagbulusok papaitaas sa larangan ng edu- Kasyon sapagkat ‘di naman ito mapapasubalian ng kanyang mga nagawang kaayusan, Kaunlaran at kabutihan para sa ating paaralan. Hindi matatawaran ang kanyang mga nagawa tulad na lamang ng mga sumusunod, Napabilang nito lamang 2004 sa listahan ng Top Performing Principals in Secondary Level sa buong Cavite,iba’t ibang training at workshops na nilahukan,mula sa pagiging Participants,organizers,committee,tasak force at facilitator gaya ng mga sumusunod . Campus Journalism,Filipino,Science,at iba’t ibang pandivisiong-seminar workshop ng iba’t ibang asignatura.Mula naman sa iilang establisyimentong kanyang nadatnan sa ating paaralan nagkaroon ito ng parbabago mula Hulyo-Set.,2002 pagtatayo ng CR para sa mga guro,Enero-Marso,2003 pagpapatayo ng silid sa computer at renovation ng clinic Hulyo-set.,pagpapatayo ng dalawa pang klasrum sa gusali ng Remulla,April-June, 2003 pagpapatayo ng computer laboratory at guard house Abril-Hunyo 2004 pagpapatayo ng gusali ng Maliksi Type School Building at inaugurasyon ng CAT-Gen .Head Quarters hanggang sa kasalukuyan ang karagdagang Remulla Building at paglipat ng Schol Lib- rary,pagpapa-aspalto ng daan,paglalagay ng Grotto,at pagpapatuloy ng malawakang pagpapabakod.

Ilan lamang ito sa kanyang maliliit na programa sa pamamagitan ng kanyang pag- lilingkod parin sa paaralan subalit hindi na tulad ng dati..Sa katunayan umani siya ng iba’t ibang mga parangal at pagkilala sa iba’t ibang paligsahan,seminar-workshop, at iba pang mga patimpalak.Ilan sa mga nakamit ng paaralan sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay ang mga sumusunod : Unang Pwesto sa Sabayang pagbigkas yunit festival2004,1 st place Science Park & laboratory SY04-05.,1 st place Toilet Category sa Unit Status Evaluation of School Clinic & Toilet Facilities SY02-03 at marami pang Iba.

Mula ritototoong masasabi na ang sukatan ng pagiging tunay na lalaki ay hindi makikita sa panlabas lamang nitong kaanyuan,ika nga nasa mga nagawa mo ang pag- papatunay kaya nga ba hindi maikakailana isang magaling na tagapagtaguyod ng ka- unlaran sa larangan ng edukasyon ang mga bagay bagay na nilikha ng isang taong may malaking pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kanyang kaguruan o nasasakupan lalung-lalo na sa pagkatutong dapat na matamo ng lahat ng kanyang mga mag-aaral -ito ang maipagmamalaking kayamanan ng ating kagalang-galang na pinuno….. Wala nang iba kundi ang ating G.Rolando Dilidili,Punong Gur II.

 

5/08/2006
ANNOUNCEMENTS
Photoshoot for schools and the launching of the school website
read more
5/10/2006
REMINDERS
The start of classes and enrollment schedules.
read more
 
To email us please click the button email below

  EMAIL
 
 
 
Info | Faculty | E-Learn | Forum | Contact Us | Map

         

 
 

Free Web Hosting